"Ang Hot cake" Hotcake..... Simple, Masarap, Madaling Lutuin..... Halos lahat naman siguro gusto nito...... Nung araw na yun nagluto si Mama ng hotcake..... Habang kumakain.... Nag-roll back ang mga ala-ala..... Naalala ko nung maliit pa kami,,,, "Haykek" ang tawag ko dito... di ko kasi ma pronounce yung "Hot cake"... Yun din ang panahon na wala pang problema...Yung panahon ma mura pa lang ang pag-iisip. Kung baga sa high school "Freshmen". Masarap balikan yung mga panahon na yun.. Habang kumakain ng hot cake, nanunuod kami ng paborito naming palabas sa T.V. tulad ng Peterpan,maskman,shaider,machineman,mighty morphin power ranger, at marami pa... hmm, yun ang mga panahon na wala pang masyadong problema.. Pagkatapos manuod, yayayain kami ng mga kalaro para mag taguan, habulan, langit-lupa... at kung ano ano pang laro.. Di pa kasi uso ang mga gadgets noon, maswerte na kung meron kayong game and watch at brick game... Minsan, kapag i...