
"Ang Hot cake"
Nung araw na yun nagluto si Mama ng hotcake..... Habang kumakain.... Nag-roll back ang mga ala-ala.....
Naalala ko nung maliit pa kami,,,, "Haykek" ang tawag ko dito... di ko kasi ma pronounce yung "Hot cake"... Yun din ang panahon na wala pang problema...Yung panahon ma mura pa lang ang pag-iisip. Kung baga sa high school "Freshmen".
Masarap balikan yung mga panahon na yun.. Habang kumakain ng hot cake, nanunuod kami ng paborito naming palabas sa T.V. tulad ng Peterpan,maskman,shaider,machineman,mighty morphin power ranger, at marami pa... hmm, yun ang mga panahon na wala pang masyadong problema.. Pagkatapos manuod, yayayain kami ng mga kalaro para mag taguan, habulan, langit-lupa... at kung ano ano pang laro.. Di pa kasi uso ang mga gadgets noon, maswerte na kung meron kayong game and watch at brick game...
Minsan, kapag inaway ng kalaro, magsusumbong sa Mama at Papa, kapag sinaktan ka, at kapag nasugatan ka, uuwi ka na umiiyak at papatahanin ka naman nila.. Bibigyan ka ng candy,lollipop, zesto, yakult o kung ano ano pang pwde ma-ioffer, Basta mapatahan ka lang.. Pag hawak mo na yung mga bagay na yun, siguradong titigil ka na sa pag iyak...Yung sugat naman lalagyan ng band-aid at hihintayin gumaling.....
Pero di naman maiiwasan ang paglakad ng panahon, kasabay nito ang maraming pagbabago, physically, mentally, emotionally....
Nag-iba na ang mga paborito natin.. sa mga tv shows, movies, mga laro... nacocornyhan na tau sa power rangers.. hehe.. na realize natin na ang pangit pala ng costume ni machine man.. at marami pang pagbabago.. Bihira na din tayo masugatan dahil hindi na tayo makulit o malikot.. Iba na din ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan, Yung sakit na mahirap gamutin at matagal makalimutan, "Broken Hearted"... yan ang tawag dun... Kung minsan hindi na tayo sa magulang lumalapit para mag sumbong na nasasaktan tayo. Di na din pwde bigyan ng candy o kung ano ano pa para mawala lang yung nararamdaman natin...Hindi rin pwdeng lagyan ng Band-aid ang broken heart..... Marami na ring komplikadong mga bagay na nangyayari sa buhay natin.....
That's part of growing up.. sabi nga nila.....
Pero minsan.... ang sarap balikan.....
Yung mga panahon na yun....
Na ang buhay ay kasing simple lang.....
Ng pag-kain ng "Hotcake"......
Ooooopppsssssssss......... natauhan na ko.......... Ubos na pala ang hotcake na kinakain ko...............
Maraming salamat po....... =)
- @sheddypau
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento